Home News ‘Early security measures’, walang kinalaman sa martial law – PnP Chief: Albayalde

‘Early security measures’, walang kinalaman sa martial law – PnP Chief: Albayalde

35
0
SHARE

“Mas maaga, mas maganda.” Ito ang pahayag ni Philippine National Police (PNP) Chief Police Director General Oscar Albayalde sa puna ng ilan na tila masyadong maaga ang paghihigpit ng seguridad para sa 2019 elections.

Sinabi ni Albayalde, na isa itong paraan para maiwasan ang mga election-related violence o ang pagiging madugo ng papalapit na campaign at election season sa mga lokal na pamahalaan.

Image result for PnP Chief: Albayalde

Sa obserbasyon ng PNP, may trend kasi sa bansa na kapag papasok na ang panahon ng eleksyon ay tumataas rin ang mga krimen lalo na ang kaso ng mga pagpatay.

Matatandaang ng nakaraang linggo, tatlong local chief executive na ang tinambangan at napaslang, at isa sa pangunahing anggulong sinisilip ng mga awtoridad ay ang politika.

Inalis naman ni Albayalde ang pangamba ng ilan sa tila unti-unting pagbabalik ng mga nangyari noong panahon ng batas militar.

Kabilang kasi sa utos ni Albayalde sa kanyang hanay ang pagpapaigting ng 24/7 checkpoints o Oplan Sita sa buong bansa, pagpapalakas ng police visibility at iba pang mga focused-law operations.

Giit ni Albayalde, wala itong kinalaman sa deklarasyon ng martial law dahil dati na rin aniya itong ginagawa ng PNP.

Source: Abante

Loading…

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here