Home News Locale News Duterte Gov’t tutuldukan ang problema sa plaka!

Duterte Gov’t tutuldukan ang problema sa plaka!

3
0
SHARE

Itinigil noon ng LTO ang paniningil ng bayad sa mga bago at renewal ng plaka dahil sa inilabas na notice of disallowance ng Commission on Audit (COA).

Ito ang dahilan kung bakit virtual plate o mga papel lamang ang inisyu ng LTO dahil naka-hold ang mga plaka sa pier at hinihintay ang order ng COA kung ano gagawin sa mga ito.

Pero, huwag mag-alala dahil matutuldukan na ang problemang ito sa ginawang aksyon ng kasalukuyang Administrasyon.

Masayang binalita ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade na handa na raw tayo mag-produce ng sariling mga plaka

Bumili kasi ang Gobyerno ng limang machine na gumagawa ng plaka sa kumpanyang Trojan Computer Forms Manufacturing Corporation at dinagdagan pa ito ng dalawang unit na walang bayan.

Ang 7 units ng manual embossing machines ay kayang gumawa ng 22,000 plaka kada-araw.

“Ayaw na nating maulit ‘yung problema sa plaka. Kaya naman mas maigi kung tayo na lang mismo ang mag-manufacture kaysa nagpapagawa pa abroad na nagpapatagal lang ng proseso. With the proper equipment and training, kaya naman natin,” sabi ni Tugade.

'KAYA NAMAN NATIN' | DOTr-LTO, handa nang mag-produce ng sariling mga plaka ng sasakyan sa bansa ayon kay Department of Transportation Sec. Arthur Tugade.

Posted by News5 on Sunday, April 8, 2018

SOURCE: News5 | GMA News | UNTV

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here