Home News Locale News Dalagitang naglalakad ng 3 oras para makapag-aral, ginahasa, pinatay

Dalagitang naglalakad ng 3 oras para makapag-aral, ginahasa, pinatay

162
0
SHARE

ABS-CBN News

Natagpuang patay ang 15 anyos na dalagita sa Tigaon, Camarines Sur at napag-alamang ginahasa rin ito.

Pauwi ang dalagita na karaniwang naglalakad ng tatlong oras para makapag-aral.

Nakabukas ang uniporme at wala nang underwear nang matagpuan ang labi ng 15 anyos sa mga taniman ng saging.

Miyerkoles nang huling nakita ang biktima na kasama ang kuya niya habang pauwi sila mula sa paaralan.

“Magkasama sila tuwing umuuwi kaya lang nu’ng time na ‘yun, nauna talagang umuwi ‘yung isa kaya malayo ‘yung distansiya so nagkaroon ng oportunidad ‘yung suspek na gumawa ng krimen,” ayon kay PO2 Maricel Adayo ng Tigaon – Philippine National Police (PNP).

Sa resulta ng autopsy sa bangkay, nakitang ginahasa at sinakal pa ang biktima.

Inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan ng salarin. Hustisya naman ang sigaw ngayon ng ina ng biktima. Ikinalungkot din ng mga guro at kaklase ng biktima ang nangyari.

Kuwento ng guro, halos tatlong oras ang nilalakad ng dalagita para mag-aral at hindi ito uma-absent. Kumilos na rin ang principal ng eskuwelahan para hindi na maulit ang nangyari.

Nag-alok naman ng libreng sakay ang barangay sa mga estudyante para ligtas silang makauwi.

Comments

comments

1 COMMENT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here