Home News Locale News Dalagita, ne-rape umano ng kanyang amain at kapatid nito

Dalagita, ne-rape umano ng kanyang amain at kapatid nito

2
0
SHARE

Sa ulat ni Emil Sumangil sa GMA News “24 Oras” nitong Martes, kinilala ang mga suspek na si Dante Bagay Angeles at ang kaniyang kapatid na si Ricky.

“Umiinom sila noon pero noong makatunog sila na may mga papalapit kaya nagkaroon ng konting habulan,” sabi ni Police Chief Inspector Manuel de Vera Jr., hepe ng Pandi police.

Noong isang taon pa raw inaabuso ng magkapatid ang biktima tuwing umaalis ang ina nito sa kanilang bahay.

Nitong Lunes, nakatakas ang biktima nang umalis ang dalawang suspek sa tahanan nila. Palagi daw itong tinatakot ni Dante gamit ang isang paltik upang hindi pumalag.

“Obviously talagang takot na takot ‘yung bata, matindi ang dinanas niya na trauma sa observation ko lang. Siguraduhin natin na mananagot ang dapat managot dito,” sabi ni Police Senior Superintendent Chito Bersaluna, hepe ng Bulacan police.

Dalagita, ginahasa umano ng kanyang amain at kapatid nito

Dalagita, ginahasa umano ng kanyang amain at kapatid nito. Tinutukan 'yan ni Emil Sumangil.Sa mga Kapuso abroad, tumutok o mag-subscribe sa GMA Pinoy TV, GMA Life TV, at GMA News TV International para sa iba pang mga balita.

Posted by 24 Oras on Tuesday, May 22, 2018

Hindi naman itinanggi ni Dante ang akusasyon laban sa kaniya

“Okay na po sige aminado na po ako, ‘yun na muna masasabi ko… Hindi ko rin ano, dumating na lang bigla eh. Di ko rin naman sinasadya,” sabi ni Dante.

“Hiya sa sarili kasi nawala ‘yung hiya sa sarili ko. Hindi ko naman hinihingi sa kanila na patawarin nila ako, ang masabi ko lang sa kanila mahal na mahal ko pa rin sila,” dagdag pa niya.

Si Ricky naman, todo-tanggi sa mga bintang sa kaniya, “Baka lang kasi ho sa kaniyang stepfather siguro. Dinamay na rin po ako kaya po ganung inano Sir sa akin. Pero wala po talaga ako alam diyan.”

Nahaharap sa kasong rape in relation to child abuse ang dalawang suspek na isang non-bailable offense.

Source: GMA News

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here