Home News Locale News Construction industry sa Pilipinas, lumalago

Construction industry sa Pilipinas, lumalago

27
0
SHARE

Lumalago ang industriya ng konstruksiyon sa bansa dahil na rin sa pagpapagawa ng iba’t-ibang imprastraktura sa ilalim ng ‘Build, Build, Build’ program ng pamahalaan.

Ayon sa ulat ng Labor Market Trends, noong nakaraang taon isa ang konstruksiyon sa pangunahing lumilikha ng trabaho sa bansa:

– Agribusiness, Mining
– Manufacturing
– Power and Utilities, Construction
– Information Technology
– Health and Wellness
– Hotel, Restaurant and Tourism
– Wholesale and Retail Trade
– Banking and Finance
– Transport and Logistics
– Real estate
– Education

Kabilang din umano ang konstruksiyon sa mga trabahong pinakamataas ang sweldo:

– Pilots, Navigators and Flight engineers (P156,823)
– Geologists working in construction (P101,471)
– Graphic Designers (P99,658)
– Art directors (P76,612)
– Industrial machinery mechanics and fitters (P76,550)
– Geologists in mining (P71,849)
– Statisticians (P56,759)
– Crushing, grinding and chemical-mixing machinery operators (P49,646)
– Communications service supervisors (P48,270)
– Production supervisors and general foremen (P47,521)

Sa pag-aaral ng Labor Research, isa ang konstruksiyon sa lalagong industriya sa bansa ngayong taon.

Kung sa Business Process Outsourcing ay bentahe ang communication skills, sa konstruksiyon naman ay angat ang may pisikal na lakas, at technical skills.

Aabot sa 3.54 milyon ang bilang ng construction workers o manggagawa sa konstruksiyon, katumbas ng 48 percent ng kabuuang labor industry sa bansa.

Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), nangangailan ang construction sector ng mga sumusunod:

– Mason
– Carpenter
– Scaffolder
– Painter
– Welder
– Steelmen
– Heavy equipment operators
– Drivers
– Safety engineers

Marami umanong isinasagawang proyekto sa industriya ng konstruksiyon, pampubliko man o pribado, ayon kay Director Dominique Tutay ng DOLE- Bureau of Local and Employment.

Malago ang industriya sa National Capital Region, Calabarzon, Region 3, at Region 6 dahil na rin sa partnerships sa imprastraktura ng mga lokal at dayuhang kompanya.

Ayon naman kay Anna Mae Yu Lamentillo, chairperson ng ‘Build, Build, Build’ committee, sa kada isang bilyong dolyar na ginagastos ng bansa, 100,000 na trabaho umano ang nalilikha.

Payo ng DOLE, subukan ang trabaho sa konstruksiyon dito sa bansa.

Para sa kabuuang listahan ng oportunidad sa construction industry, maaaring bisitahin ang mga sumusunod:

– philjobnet.gov.ph/

– build.gov.ph/

Maglulunsad din ang DOLE ng job fair para sa construction sector. Magaganap ito sa ikatlong linggo ng Marso sa Pasay, Qatar, at Saudi Arabia.

Source: ABS-CBN

Comments

comments

1 COMMENT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here