Home News Cong. Si Bertiz, Humingi Ng Tawad Sa Nagawang Pambabastos Sa NAIA

Cong. Si Bertiz, Humingi Ng Tawad Sa Nagawang Pambabastos Sa NAIA

1
0
SHARE

Sa isang panayam ni Arnold Clavio, humingi ng paumanhin si Bertiz sa publiko sa kanyang kinasangkutang kontrobersya, at upang ibigay ang kanyang bersyon ng istorya. Sinabi nyang kaya niya sinita ang guwardya dahil may mga pinalampas itong Chinese nationals na nakasuot din ng sapatos. Gusto nyang tanungin ito kung bakit pinalampas ang mga intsik samantalang sya ay pinaghuhubad ng sapatos.

Ang kanyang alibi ay taliwas sa makikita sa video. Ayon din sa pamunuan ng airport, kanilang nirebisa ang mga CCTV footage at walang mga Intsik na nauna ke Bertiz nung mga oras na iyon. Ang makikita sa video ay si Gobernadora Imee Marcos na walang pagtutol na naghubad ng sapatos nito bago dumaan sa security X-ray.

Palusot Pa More!

Nang sya’y usisain tungkol sa iba pang kontrobersyang kanyang kinasangkutan, nagpahayag sya na ang dokumentong lumabas na nagtatanggal sa kanya bilang representante ng ACTS OFW sa Kongreso ay isang fake document. Ang kanyang pakikipag-away sa OFW sa Hong Kong ay sinabi nyang matagal ng nangyari at ang kanyang kasagutan ay miyembro ng OFW Migrante na nag rarally sa Hong Kong nuon mga oras na yun.

Source: GMA

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here