Home Recipe Beef Buko bulalo, patok sa tag-ulan sa Legazpi City

Buko bulalo, patok sa tag-ulan sa Legazpi City

0
0
SHARE

LEGAZPI CITY – Patok ngayon sa isang kainan ang kombinasyon ng buko at bulalo lalo na ngayong tag-ulan.

Ito ang putahe ng bulalo na hinaluan ng laman at sabaw ng buko.

Naisip ni Charise Monreal ang buko bulalo dahil sa sabaw ng ginagamit niya sa bestseller nilang buko batchoy.

“Yung pinapakulo namin talagang puro beef siya. So sabi ko, ano kaya i-try natin ito gawin natin ‘yung bulalo. Anything naman talaga that has something to do with buko, masarap,” sabi ni Monreal.

Perfect combination daw ang sabaw ng bulalo at buko.

“Yung sabaw ng bulalo and then ‘yung sabaw ng buko kinu-combine namin so sumasarap talaga siya, nagbi-blend talaga siya and then at the same time, ‘yung juice ng buko ‘pag ini-scrape mo siya magbi-blend siya sa bulalo,” ani Monreal.

Bagong-bago sa kainan ang buko bulalo pero marami ang nasarapan dito.

“So happy na nakaisip sila ng bago nilang beef bulalo with buko. Kakaiba ‘yun,” sabi ng customer na si Anessa Scott.

Mahilig naman sa bulalo si Georgia Lotivio, pero gusto rin niya ang kakaibang lasa nito kapag may halong buko.

“This one is really so good kasi something new, something special and compare sa ibang bulalo, ito is kakaiba because may buko nga siya. And for sure, babalikan ko ito and I’ll invite my friends to come here and enjoy this one so you must try it also,” sabi ni Lotivio.

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here