Home News Locale News BITAG: MGA “ISKOLAR,” NAGPAPAKALAT NG ECSTASY SA MGA CAMPUS

BITAG: MGA “ISKOLAR,” NAGPAPAKALAT NG ECSTASY SA MGA CAMPUS

0
0
SHARE

By: Ben Tulfo

Gumagamit ng mga “iskolar” ang mga sindikato sa loob ng mga prestihiyosong unibersidad sa Metro Manila. Ito’y upang maipakalat ang mga high-grade liquid ecstasy sa mga millennials.

Ibinunyag ito sa media ng PDEA sa isang pre-operational plan, nitong a-1 ng Nobyembre bago ikinasa ang raid sa isang malaking supplier ng liquid ecstasy sa Mandaluyong.

Pinopondohan daw ng mga sindikato ang kanilang mga “iskolar.” Pinag-eenrol ng ilang units sa mga unibersidad at kolehiyo. Nasa hanay daw ng third sex ang kanilang mga “iskolar.”


Ayon sa PDEA, delikado ang liquid ecstasy lalo na sa mga estudyanteng babaeng gumagamit nito. Maraming mga kasong date rape ang hindi na nai-rereport sa otoridad.

Kilala sa tawag na “millennial drugs” ang liquid ecstasy. Ito ang usong droga ngayon sa mga high-end club at mga party ng mga kabataan sa loob ng hotel room, na kalaunang nauuwi sa mga “sex orgy” o group sex.

Ilang patak lang ng liquid ecstasy sa anumang inumin, talab agad ang epekto nito.

Matagumpay naisagawa ang raid sa Mandaluyong at nakuha ang mga kagamitan. Hulog sa BITAG ng otoridad ang suspek-supplier ng liquid ecstasy, Fil-Am na si Dennis Thieke.

Source: Bitag, Ben Tulfo

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here