Home News Locale News Binawian ng Buhay ang Pasyenteng Nabaril habang naghihintay ng 3 oras

Binawian ng Buhay ang Pasyenteng Nabaril habang naghihintay ng 3 oras

10
0
SHARE
Loading...

Ayon kay Pigar, pinaasa umano sila ng mga nurses sa nasabing hospital. Pagdating raw nila sa hospital ay agad naman inagapan ang pasyente at sinabihan raw sila na “stable” ang lagay ng pasyente. Sinabihan pa sila nag mag-relax lang raw dahil tinawagan na raw nila ang doktor pero umabot nalang ng 3 oras ay walang doktor na dumating.

Basahin nalang po ninyo ang buong pahayag o post ni Rhina Paraon Pigar tungkol dito para po mas maintidihan.

Ang post ni Pigar

“Clinica Antipolo Hospital Wellness Center

10:26pm sinugod namin dito sa Clinica Antipolo Hospital Wellness Center Private hospital na pinakamalapit saamin dahil nabaril ang anak ko para maaksyunan sana agad.

Nasa sasakyan pa malakas pa at nakakapagsalita ang anak ko “Dahil niyo ko sa pinakamalapit na hospital para magamot agad ako”.

Pagdating sa hospital tinanggap nila kami at pinasok sa emergency room ang anak ko. Nilagyan ng oxygen, swero, atbp gamit na para mamonitor ang lagay ng anak ko.

Simula palang nagtanong na kami kung may doctor ang sabi saamin tinawagan na nila at antipolo lang daw manggagaling. 3 doctor ang nag confirmed kaya umasa kami na darating agad.

Habang nakahiga ang aking anak nagsasalita pa “Doc gamutin nyo na ako ayaw ko pang mamatay” ilang beses nagsalita ang anak ko.

May pinapirmahan saamin para maoperahan na daw ang anak ko kaya pinirmahan agad namin. Tinanong nila ang kabuhayan ko at kung may kakayahan ba akong magbayad at sinabi namin na mayroon akong sarisari store at mga paupahang bahay.

Loading…

Pagkatapos ng ilang minuto wala parin silang ginagawa hindi parin inaakyat sa operating room.Pabalik balik kami para i-follow up kung asan na ang doctor ang sinasabi nila “Relax lang po maam, stable naman po ang lagay ng anak niyo at on the way na ang doctor” kaya sinabi ko sa kanya paulit ulit na panghahawakan ko ang sinabi nyang stable ang lagay ng anak ko. Sinabi ko sa kanila na mayroon ang doctor na kilala sa antipolo doctors. sinabi nila na hindi pwedeng tawagin yon dahil may sarili silang doctor.

Mga bandang 11:30 gusto na naming ilipat ang anak ko pero sinasabi nila na on the way na ang doctor at parang naiinis na sila kaya hindi pumayag kami na mag stay pa at maghintay. Dahil sa pag alala sa lagay ng anak ko kahit na alam kong nakukulitan na sila paulit ulit kong tinatanong kung nasaan ang doctor. Ang tanging sinasabi lang nila saamin ay padating na ang doctor dahil manggagaling na sa antipolo at nag confirmed na ang doctor.

Mga bandang 12am may dumating na lalaki at nagrequest ng ambulance para ma rescue ang kaanak nya na naaksidente sa motor ngunit sinabi nila na wala silang driver ng ambulance ng mga oras na yon kaya hindi narin namin pinilit dahil ang paulit ulit na sinabi saamin ay kumalma dahil darating ang doctor.

Hindi kami pinapalapit sa anak ko dahil wala daw kaming maitutulong at alam daw nila ang ginagawa nila. Yung isang guardya pa ay nainis saamin dahil lapit kami ng lapit para makita ang lagay ng anak ko.

Bandang pasado alauna ng madaling araw, nakita nalang namin na nire-revive na nila ang anak ko. At namatay na nga ang anak ko ng WALANG DUMATING NA KAHIT ISANG DOCTOR SA HALOS TATLONG ORAS NAMING PAGHIHINTAY. Ni hindi man lang nila sinalinan ng dugo. Lumaban ang anak ko dahil gusto nyang mabuhay. Halos magmakaawa kami sa kanila para gamutin ang anak ko.

After 10 minutes may dumating na doctor at ng tanungin namin kung bakit ngayon lang siya dumating ang sabi nya ay Tandang Sora, Quezon City pa siya nanggaling. Sinabi pa saamin ng isang staff na yung nag confirmed na isang doctor ay hindi dumating dahil may isang emergency daw na inuna pa kaysa saamin.

Nang ikumpirma nila saamin na wala ng buhay ang anak ko, dala ng emosyon ay nagalit ako sa kanila kung bakit hindi nila inasikaso at inoperahan kaagad.

Pagkamatay ng anak ko nag iba na ang sinasabi nila at sinabi nila na

“Baka ho hindi niyo narinig ng malinaw, ang sabi ko po ay unstable ang anak nyo”

at kahit maoperahan pa ang anak ko ay mamamatay rin daw. Napakalinaw ang sinabi nila saamin na magrelax lang dahil stable. Hindi naman siguro nila sasabihin na magrelax ako kung unstable ang lagay ng anak ko.

Pagkamatay ng anak ko nakaready na ang bill na umabot sa halagang 19k mahigit. Nang tiningnan namin, inireklamo namin ang ibang nakalista na hindi naman nila ginawa at naibigay sa anak ko. Pero pagkatapos nilang icheck, sa halip na mabawasan ay umabot ng 20k ang bill ko. At dahil sa halo halong emosyon ay binayaran ko agad ang bill para mailabas na ang anak ko.

Kinuha ng St. Peter ang katawan ng anak ko at nagrequest sila ng death certificate ng anak ko para sa autopsy at St Peter Plan. Inabot ng 9am hindi sila nagbibigay ng Death Certificate dahil wala daw ang doctor na gagawa. sinabi nila saamin na kung gusto namin ay kami nalang ang mag-asikaso ng Death Certificate sa munisipyo. Binigyan kami nila ng Medical Certificate na ipinasa namin sa St Peter para madala na agad sa Camp Crame ang anak ko at ma-autopsy.

Nabaril ang anak ko ng walang kasalanan. Nahuli man at nakulong ang gumawa, hindi parin kami mapanatag dahil sa kapabayaang ginawa ng nasabing pribadong hospital. Alam namin na normal lang sa hospital ang namamatay pero kung sana ay nakita man lang namin na inasikaso, ginamot, at hindi kami pinaasa na darating ang doctor anumang oras nailipat sana namin ng maaga ang anak ko, baka sakaling kapiling parin namin ang anak ko. Nung una palang sana ay sinabi nila agad saamin na wala silang doctor, nalipat sana namin sa ibang hospital na 10 minutes lang ang layo sa kalapit na hospital.

Nagsadya na kami sa programa ni sir Raffy Tulfo sa Mandaluyong kahapon July 09, 2018. sana po ay maaksyunanagad at mabigyan ng katarungan ang pagpapabaya nila sa anak ko.”

Panoorin ang mga Video



SOURCE: Rhina Paraon Pigar

Loading…

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here