Home Sports Boxing Arum: ‘Horn-Crawford bout, posibleng maganap sa 2018’

Arum: ‘Horn-Crawford bout, posibleng maganap sa 2018’

9
0
SHARE

Inihayag ni Top Rank CEO Bob Arum na posibleng magharap daw sa unang bahagi ng 2018 sina WBO welterweight champion Jeff Horn at ang undefeated American boxer na si Terence Crawford.

Ayon kay Arum, duda kasi ito na magaganap pa ang rematch ng Australian boxing champ kay Pinoy icon Sen. Manny Pacquiao.

Nauna na ring inihayag nito na hindi na umano magaganap pang muli ang “Pacquiao-Horn 2” dahil pokus daw si Pacman sa kanyang mga responsibilidad bilang senador.

Dagdag nito, magiging mandatory contender rin kasi umano si Crawford kay Horn.

“He’ll be the mandatory contender for Jeff Horn. That’s what me and Terence were discussing. His next fight will be in February or March and will be against Jeff Horn,” pahayag pa ng beteranong promoter.

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here