Home Health Doc Willie Ong - Advise Ano Ang Mga Sintomas ng Myoma?

Ano Ang Mga Sintomas ng Myoma?

3
0
SHARE

Payo ni Doktor Doktor Lads

Ang myoma ay isang benign o noncancerous na paglago o pagdamit ng smooth muscle sa uterus ng isang babae. Tandaan na hindi ito malignant na kanser. Isa itong solid tumor na binubuo ng fibrous tissue kaya madalas din itong tinatawag na fibroid tumor.

Image result for MYOMA

Iba-iba ang laki at bilang ng myoma, madalas ay mabagal ang kanilang paglaki kaya hindi agad nagkakaroon ng sintomas ang mayroong myoma.

Ang mga babaeng may myoma ngunit walang sintomas na nararamdaman ay hindi kailangan ng gamutan. Humigit kumulang 25% ng mga may myoma ay makakaranas ng sintomas nito at ito ay nangangailangan ng gamutan.

Ano ang Sintomas ng Myoma?
1. Madami at matagal na pagreregla
2. Pananakit at pressure sa balakang
3. Pagtaas ng timbang at abnormal na paglaki ng tiyan
4. Pressure na nararamdaman kapag umiihi at dumudumi
5. Pananakit ng likod ng mga binti
6. Nakakaranas ng sakit kapag nakikipagtalik

Ano ang Sanhi ng Myoma?
Hanggang ngayon ay hindi pa natutukoy ang mismong sanhi ng myoma ngunit madalas nagkakaroon ng myoma ang mga babaeng nasa reproductive age o pwede pang mabuntis. Nagkakaroon lamang ng myoma ang isang babae kapag nagsimula nang maglabas ng estrogen ang katawan nito. Mabilis na lumalaki ang myoma sa mga buntis dahil naglalabas ng extra estrogen ang katawan sa panahong ito. Kapag nagmenopause na ang isang babae, tumitigil na sa paglaki ang myoma dahil sa kawalan ng estrogen.

SINO ANG MAY POSIBILIDAD NA MAGKAROON NG MYOMA?
Lahat ng babae na rumeregla pa o maaari pang magdalang-tao ay pwedeng maapektuhan ng myoma.
Napag-alaman na kung ikaw ay nabuntis at nagdalang-tao noong nakaraan, bumababa ang posibilidad na magkaron ka ng myoma. Ang paggamit ng oral contraceptive pills para sa family planning ay napag-aralan ring nakakababa ng risk sa myoma, ngunit marami pang pag-aaral ang kailangan gawin upang matiyak ang mga ito.

Sa ngayon ang hysterectomy o ang pagtatanggal ng uterus sa pamamagitan ng operasyon pa din ang gamutan para sa mga may myoma na nakakaranas ng sintomas. Abangan ang aking susunod pang post tungkol sa myoma.

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here