Home News Locale News ANG TUNAY NA PULSO NG MGA MAMAMAYANG PILIPINO

ANG TUNAY NA PULSO NG MGA MAMAMAYANG PILIPINO

2
0
SHARE

Hindi maitatanggi na ang damdamin ng mayorya ng mga Filipino ay na kay Pangulong Rodrigo Duterte pa rin. Ito ang obserbasyon ni House Appropriations Committee Chairman Karlo Nograles.

Pinagbatayan ni Nograles ang pinakahuling survey ng Pulse Asia na isinagawa noong Setyembre 24-30 kung saan napanatili ni Pangulong Duterte ang aniya ay “big majority” approval and trust ratings na parehong nasa 80 percent.

Ito ayon sa mambabatas ang tunay na pulso at sentimyento ng sambayanan. Ani Nograles, “It is another testament of how much the President is loved by a great majority of the people. The huge numbers he got in the survey are clearly an affirmation of our country’s admiration of our leader.”

Nananatili rin ang ratings ng Pangulo na

“consistently high across all regions and classes” simula noong isang taon nang maupo ito sa puwesto.

At hindi natitibag ang suporta ng publiko kay Pangulong Duterte sa kabila ng mga pagsisikap na wasakin ang kanyang administrasyon. Kabilang sa mga pagwasak na ito sa kanya ang:

  1. Pag-uugnay kay Davao City Vice Mayor Paolo Duterte sa illegal drug smuggling activities
  2. Bintang ni Antonio Trillanes na may tagong pera sa bangko ang Pangulo
  3. Kritisismo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa kanyang estilo ng pamumuno

Pero iyon na nga, batay sa mataas na ratings ay walang epekto ang mga ipinupukol na putik sa Pangulo.

Kung bakit patuloy ang suporta ng publiko kay Tatay Digong, ito ay dahil sa kanyang political will na panindigan ang lahat ng kanyang pangako. At huwag nating kalilimutan, lahat ng ginagawa niya ay nagreresulta sa mga bagay na ‘ika nga ay malapit sa sikmura ng bawat Filipino.

Source: (MMPM.news)

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here