Home News Locale News Anak ayaw na Sumama sa Ina at Mahigpit ang Kapit sa Titser

Anak ayaw na Sumama sa Ina at Mahigpit ang Kapit sa Titser

6227
0
SHARE
Loading...

Trending ngayon sa social media ang problema ng mag-ina dahil ayaw ng kanyang sariling anak sumama sa kanya. Ang bata ay mahigpit ang kapit sa kanyang titser habang kinukuha siya ng kanyang ina.

Hindi matukoy ang dahilanan kung bakit ayaw ng bata sumama sa ina nito.

Ayon sa nagpost tungkol dito na nakilalang si Kween Sae sa kanyang Facebook account, inireklamo raw ng ina ng bata ang maestrang nag-aalaga sa anak nito na makikita sa video.

Loading…


Ito ay sa paratang ng ina ng bata ng kidnapping sa titser. Paliwanag naman ng nagpost, may awtorisasyon umano sa ama ng bata ang tungkol dito.

Galit na galit naman ang kumukuha ng video sa ginawa ng ina ng bata dahil matapos umano pabayaan ang anak nito ay inireklamo pa niya ng kidnapping ang titser na nag-alaga at nagpapaaral ng kanyang anak.

Ayon sa nagpost, itrinansfer raw ni titser ang bata para mas malapit ito sa school at hindi ito mahihirapan mag aral dahil malayo raw ang school nito. Hindi raw nagpakita ang ina ng bata at puro pamamasyal nalang umano ang ginagawa nito.

Noong malaman ng ina ng bata ang nangyari sa kanyang anak ay agad niyang inakusahan ng kidnapping si titser at pinapatanggalan niya pa ito ng lisensya bilang guro. Ang motibo lang naman ni titser ay maiayos ang pag-aaral ng bata.

Sa video, kitang-kita na may dalang pulis at barangay opisyal yata para kunin ang bata subalit ang bata ay ayaw sumama.

Panoorin ang Video:


Dito mo malaman na may problema talaga sa pagitan ng mag-ina. Kung maayos at tama ang pag-aalaga ng ina sa kanyang anak ay siguradong hindi ito magagawa ng bata. Sa tingin ng mga kababayan, siguro sinasaktan ang bata ng kanyang ina kaya ayaw na ito sumama at mas gusto nito na manatili sa kanyang titser na nag-aaruga sa kanya.

SOURCE: Kween Sae, Angat Pilipino

Loading…

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here