Home News Locale News ABS-CBN – Kuwento ng mga tumugis, nakapatay kina Hapilon, Maute

ABS-CBN – Kuwento ng mga tumugis, nakapatay kina Hapilon, Maute

28
0
SHARE

Hindi inakala ni alyas “Lieutenant Licaros” at ng mga kasamahan nitong sundalo na ang kanilang operasyon ang magbibigay daan sa pagpapalaya sa Marawi City.

Sina Licaros, kasama ang iba pang miyembro ng tropa ng militar, ang nakapatay kina Isnilon Hapilon at Omar Maute noong Lunes.

Ayon kay Licaros, na namuno sa pangkat, halos 30 metro lang ang kanilang layo sa kalsadang dinaanan ng mga bihag kasama sina Hapilon at Maute na nagtatangkang tumakas noon.

“Mabilis ‘yong pagtakbo nila papunta sa pantalan, may mga hawak silang bata so hindi namin sila maputukan…ginamit po nilang human shield ‘yong mga kasama nilang babae at bata,” ani Licaros sa panayam ng ABS-CBN News.

Aminado ang gunner o namaril na kinakabahan siya subalit nang makita sa “thermal lens” ang mga tumatawid, alam na raw niya kung sino ang target.

“Masaya, parang nabunutan ka ng tinik sa lalamunan,” anang gunner na kinilala bilang “Black Hornet”.

Para sa nagmamaneho ng tangke ng grupo, ang pagkamatay ng dalawang pinuno ng mga terorista ay nagsisilbing hustisya sa mga nasawing kapuwa nila sundalo.

Nitong Huwebes, nasa 13 ang napatay na miyembro ng Maute at dalawa ang nasagip na bihag.

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here