Home Health Doc Willie Ong - Advise 6 Everyday Habits to Keeping Fit

6 Everyday Habits to Keeping Fit

1
0
SHARE

1. Uminom ng Tubig
Iwasan ang matatamis na inuman, lalo na ang softdrinks, dahil ang mga ito ay may high fructose content na siyang nagdudulot ng labis na pagkataba. Ito rin ay maaaring magdulot ng pagkakaroon ng diyabetes nang hindi mo napapansin o nararamdaman. Kung nahihirapan kang iwasan ang pag-inom ng matamis, subukan ang fresh fruit at veggie juices.

2. Mag-ehersisyo nang tama
Kung nagsasawa ka na sa pag-eehersisyo, sumubok ng mga bago at nakaka-excite na routine tulad ng Zumba. Lumahok din sa mga fun run at triathlons kung gusto mong mag-ehersisyo kasama ng maraming tao.

3. Matulog nang sapat
Ang pag-eehersisyo at pagkain nang tama ay hindi sapat upang maging malusog. Siguraduhing matulog nang sapat upang ma-recharge ang katawan. Nakakatulong rin ito upang mawala ang mga sobrang taba.

4. Magbakasyon
Ang stress ay nakapagdudulot ng sobrang timbang. Marapat na magpahinga at magbakasyon. Laging tandaan na may tamang oras para sa trabaho at para sa pagbibigay ng oras para sa sarili.

5. Kumain at kumain sa tamang oras
Huwag laktawan ang almusal. Ang hindi pagkain ng almusal ay magdudulot ng labis na pagkagutom na magdudulot labis na pagkain sa oras ng tanghalian at meryenda.

6. Kumain ng gulay
Iwasan ang pagkain ng processed food at fast food. Bagkus, kumain ng green leafy vegetables dahil bukod sa ang mga ito ay natural, hindi rin ito makapagdudulot nang masama sa katawan.

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here