Home News Locale News 2 OFW sa Saudi Arabia, patay sa sunog sa kanilang akomodisyon

2 OFW sa Saudi Arabia, patay sa sunog sa kanilang akomodisyon

0
0
SHARE

Dalawang overseas Filipino workers (OFWs) sa Saudi Arabia ang namatay nang masunog ang kanilang tinutuluyan, ayon sa opisyal ng Philippine Consulate General sa Jeddah.

Sa panayam ng GMA News kay Consul General Edgar Badajos, sinabi nito na naganap ang sunog dakong 10:00 pm sa Najran province, isang probinsiya sa Western Region ng Saudi Arabia.

Dalawang OFW sa Saudi Patay sa sunog sa kanilang accomodation

Dalawang overseas Filipino workers sa Saudi ang namatay nang masunog ang kanilang accommodation kagabi Ayon sa opisyal ng Philippine Consulate General sa Jeddah.Sa panayam ng gma news Kay Consul General Edgar Badajoz kanina sinabi nito na naganap ang sunog bandang alas dies ng gabi sa Najran province, isang probinsya sa Western Region ng Saudi ArabiaNagpadala na raw ng team mula sa Assistance to National ang konsulado Ayon Kay Badajos para makakuha ng konkretong detalye ng insidente at maasikaso ang mga namatay na OFW.Base sa inisyal na information na natanggap ng konsulado mula sa kumpanya ng mga namatay na OFW sinabi ni Badajos na possibleng electrical ang dahilan ng sunog.Hindi muna pinangalanan ni Badajos ang dalawang OFW na namatay habang hindi pa nakokontak ang mga pamilya nito.

Posted by Bong Concha – Media and OFW Advocate on Monday, May 21, 2018

Sinabi ni Badajos na nagpadala na sila ng team sa lugar ng insidente para makakuha ng detalye at maasikaso ang mga labi ng dalawang OFW.

Base sa inisyal na impormasyon na natanggap ng konsulado mula sa kumpanya ng mga namatay na OFW,  sinabi ni Badajos na posibleng electrical connection ang dahilan ng sunog.

Hindi muna pinangalanan ni Badajos ang dalawang OFW na namatay habang hindi pa nakokontak ang mga pamilya nito. — Ronald Z. Concha/BAP, GMA News

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here